Here's my unpublished and unfinished work when a day in my life i dreamt of being a writer...:)
PANAGHOY…..
(A cry within)
“Sana katapusan na ng mundo…Sana mamatay na ako….Di ko na kaya ang lahat na ito. Bakit ganito ang buhay namin?huhuhuhu. Ang mga katagang pabalik balik na sinasabi ng murang isip ko. Ang mga katagang sumasabay sa naghihimagsik kong murang kalooban.
“Putang ina mo! Mamatay ka na sana at ang mga lahi mo. Mga lahi kayo ng sugarol at tamad! Lumayas ka gago ka!
Diputa ka! Gaga ka! Akala mo kung sino ka! Tatamaan ka na sa akin!
Blag…bog…bog.. blag
Ahhhh…. Tama na… huhuhu..tama na….ang patuloy kong sinasambit sa impit kong boses …Sa mga hagulhol na tanging ako lamang ang nakakarinig… sa mga nagsusumigaw na damdamin sa katauhan kong nanginginig.
Ang tagpong ito ang kinagisnan ko. Bago kami matulog at bago kami magising. Walang pinipiling oras at sandali. At marahil , sa lahat ng sandali na kaya pang tandaan ng aking isip.
Ako ay isang anak ng mga maling magulang. O isang maling anak sa mga maling magulang. Sana nga wala na lang. Sana nga wala na lahat.
Tatlo kaming magkakapatid. Pangalawa ako sa tatlong babaeng anak . Ang nanay ko ay isang taong simbahan.Ang tatay ko naman ay isang deboto ng sugalan. Ewan ko nga ba bakit sila pinagtagpo ng panahon. Ewan ko rin kung bakit pinagkurus ang kanilang landas.
Ang aking pamilya ay isang karaniwang pamilya na namumuhay sa isang bayan na di naman napag iwanan ng sibilisasyon. Dating karaniwang empleyado ng isang govt. office ang tatay ko at ang nanay ko ay may maliit na sari sari store sa aming pamilihang bayan. At dahil sa kakarampot na kita ng isang empleyado , napagdesisyunan ng tatay ko na magnegosyo na rin. Magaling ang tatay ko sa negosyo. Laway lang ang kapital,kita na.Magaling sia sa lahat ng bagay. Takbuhan sia ng mga tao sa amin. Sa pagbibigay ng payo, sa pamamanhikan, sa simbahan. At higit sa lahat, magaling din sia sa pagsusugal at pagwaldas ng kakarampot na kita.
Noong una, maganda ang takbo ng negosyo nila. Naranasan naming ang magkaroon ng sari-sariling katulong o yaya. Naranasan namin ang maginhawang buhay. Nakakalungkot nga lang,sandali lang yun. Pinatikim lang sa amin ang tamis at pinalamon naman sa amin ang pait.
Karaniwan na sa tindahan namin ang eksenang may nagsisigawan. Nagpapalitan ng mga baho ng isat-isa. Ng laging pagsampal sa amin ng kahihiyan.Karaniwan na rin ang mga mapang- usisang titig ng mga tsismoso’t tsismosa sa palengke. Ng mga pagkaawang titig ng mga taong dumaraan sa paligid. At ang mga bida, siyempre, tatay at nanay ko !
Marami ring naitulong sa akin ang mga pangyayaring ito. Maaga akong natuto at nasadlak sa punto na ayon pa sa psykolohiya ay “denial stage”.Pinilit kong kalimutan kung anong magulang meron ako.Pinilit kong ipaniwala sa sarili ko na okay ako at okay kami. Maaga rin akong naturuang maging palaban sa lahat ng bagay.Palagi kong pinapangunahan ng tapang at angas ang mga taong kaharap ko. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, di ko pa rin maiwasang manginig o mangatal sa kaibuturan ng aking katawan at damdamin sa tuwing nasasaksihan ko ang away nila. Kahit ano pa man ang gawin kong paglalaban, di ko pa rin kayang itago ang totoong nararamdaman.
Inggit na inggit ako nun sa mga kaklase ko.Lalong lalo na pag nakikita ko silang magkasama-samang pamilya at masaya. Paborito ko pa ngang kantahin ang kanta ni Sharon na “kahapon lamang” At madalas, nasisigawan ako ng nanay ko. Peste daw ako.
At dahil sa kasalanan at kapabayaan ng ama ko, laging galit at pagkamuhi ang pinaramdam sa amin ng nanay ko. Lahat ng galaw namin ay pinupuna nito. Manang mana daw kami sa ama namin.Puro angil at sakit ng katawan ang naranasan namin. Konting pagkakamali ay batok at kurot ang katumbas nito. Naranasan ko pa ngang pukpukin sa ulo. Di ko matandaan kung ano kasalanan ko nun. Ang tandang tanda ko ay yung pagkahilo at pagkahiya ko nung araw na yun.
Ang kabataan namin ay nagugol sa palengke. Kinder pa lang ako at grade 1 naman ate ko, may kanya kanyang quota na kami. Kailangan daw naming maibenta sa isang araw ang isang kaing na kamatis sa akin at isang bilaong kalamansi naman sa ate ko.At di lang yun, habang nagbabantay ka, kailangan mo ring mag re-pack ng isang sakong asin ,asukal, isang latang baguio oil at 2 sakong cleanser (ito yung color pink na abo na nakukuha sa sinunog na ipa ng palay na panggamit sa pagpapaputi ng kaldero) at ang kinamuhian ko ay ang pag-repack ng uling.Daig mo pa ang taong grasa pag nakatapos ka..Di nga namin alintana kung anong mga nun epekto sa aming murang katawan . Siguro, dala ng kabataan parang laro sa amin yun. Di rin namin inalinta kung gaano kahapdi kung ang sugat mo sa kamay ay maibabad sa asin. Ang sabado at linggo na bakasyon sa mga klasmeyts namin, iyon naman ang araw ng trabaho namin. Pag pumapasok naman kami, pilit naming ikinukubli ang aming mga kuko na umitim sa uling at humahapding mga kamay. Naalala ko nga pala pareho kaming nagka eczema sa kamay ng ate ko at nagkaroon ng ugat ugat sa paa. Ewan ko kung may habag na naramdaman ang nanay namin o masaya pa sia.
Ngunit ngayon ko lang napagtanto, ginawa namin yun para ma-“please “ ang nanay namin at di sia magalit.Para lang masaya sia at higit sa lahat, para di kami “mana sa aming ama”. Sa bahay, ganun din. Pagkagaling sa eskwela, bantay tindahan at pag-uwi namin sa gabi, mga bandang alas otso, kailangan pa naming magsaing at magluto para may makain. Nakakapagod kung isipin. Sa murang edad naming yun, kinaya namin.
Noong panahong yun, pagkamuhi ang aming naramdaman sa aming ama. Pati ang lolo kong walang kamalay malay nadamay. Bawat subo nia tinitingnan pa namin kasi sabi ng nanay ko ambisyoso daw. Di kumakain ng isda o gulay. Puro karne lang. Ang tatay ko naman lalong iginumon ang sarili sa sugal. Nawalan na rin ng ganang magnegosyo. Pinarami ng pinarami pa nga ang mga alagang manok pangsabong.
Isang umaga, gaya ng nakagawian, nagising na naman kami sa kalampag ng mga lumilipad na gamit sa bahay. Pero ang umagang ito ay tila naiba. Matindi ang sigawan at iyakan. Nakita ko mismo kung paano sinikmuraan ng tatay ko ang nanay ko. Takot na takot kami nun. Di na kami nakapasok sa iskul. Maingay, Magulo. Pati mga aso namin nag iiyakan. Sumabay sa kaguluhan.
Nang umaga ding yun, pinahanda sa akin ng tatay ko ang mga gamit ko. Uuwi na daw sia sa Visayas. Litong lito ako. Paano ang ate ko? Paano ang nanay ko? Paano ang pag-aaral ko?
Wala akong nagawa kundi sumama sa tatay ko. Ngunit bago kami lumisan ng bahay, nasilip ko pa ang nanay ko. Nakaupo sa isang sulok, umiiyak at may dala dalang itak. Maraming dugo. Pati kamay nia ay puno ng dugo. Sa pagkabigla, tumakbo ako sa likod bahay. Naisip ko ang lolo ko. Takot na takot ako. Baka pinatay ng nanay ko ang lolo ko.
Diyos ko! Lolo! Lolo! Lolo ko! Huhuhuhu.
Day? Andito ako day. Lolo, san ka lolo ko? Niyakap ko sia. Mahigpit na mahigpit. Doon ko lang naramdaman na sa kabila ng lahat, mahal ko ang lolo ko.
Lo? Bakit maraming dugo yung hawak na itak ni nanay. Di na kumibo si lolo. Dinala nia ako sa likod bahay at tumambad sa akin ang kahindik-hindik na pangyayari. Lahat ng alagang manok ng tatay ko ay wala ng mga ulo. Minasaker!
Nakakatawa ngunit pagkakinabukasan ding iyon, bumalik din kami sa bahay. Ang naalala ko ay doon kami natulog sa isang hotel na may shower at tuwang tuwa ako nun. Siyempre, first time akong makaligo sa shower.Ako ang pinalapit ng tatay ko sa nanay ko. Bitbit bitbit ko pa ang isang supot na pandesal. Binigay ko yun sa nanay ko na nakahiga pa . Mugtong mugto ang mga mata. Life goes on, ika nga. Maraming utang na dapat bayaran. Parang walang nangyari, nang araw ding yun,bumalik na rin kami sa pagtitinda sa palengke.
Bumalik man kami sa bahay, wala pa ring pagbabago sa aming buhay.Ganun pa rin ang nakagawian. Away, bati, away,away, puro away. Malaki na rin ang pinagbago namin ng ate ko. Nagkaroon kami ng bunsong kapatid. Madalas na rin kaming mag away. Lahat ng bagay pinag aagawan. Pati sa trabaho natuto kaming magulangan. Dumating din kami sa punto na puro kurot at pasa ang aming mga katawan. Ito ay dahil sa pag-aaway na rin namin ng ate ko at galit ng nanay ko tuwing kami ay napapagalitan.
Ngunit sa kabila ng lahat na ito, nanatiling aktibo ang nanay ko sa simbahan.Prayer meetings, novena,prusisyon. Nandung kailangang kapalan namin ang aming pagmumukha para manguna sa pagrorosaryo sa poblasyon. “The family that prays together, stays together” kuno. Hiyang hiya ako nun. Ngunit naisip ko rin na dapat makita ng mga tao na okay ang pamilya namin. Kunwari “close” kami. Di ko alam kung parusa ang tawag dito. Pati sa bahay, gabi-gabi,pinagrorosaryo din kami.Di na inalintana ng nanay ko ang pagod naming mga katawan.”Para maisalba ang kaluluwa nyo. Hayaan nyo yang tatay nyo na mabulok sa impyerno!. Isip ko lang, ito ba ay “atonement of sins” na kagagawan nila?
Malaki na rin ang ipinagbago ko. Ang dating tahimik, mabait at matalinong bata ay naging palaaway, maingay at suwail. Nawala ako sa honors list . Nabarkada ako sa mga pasaway sa klase. Maraming nagtanong kung anong nangyayari sa akin. “eh ano ngayon?” yun ang lagi kong sinasagot.
Lumaki kami, naghaiskul hanggang nagkolehiyo. Kahit ganun ka-abnormal ang buhay namin, itinaguyod pa rin kami ng nanay ko na makapag-aral sa isang sikat na unibersidad sa Mindanao.
Masayang masaya ako noon. Malalayo na ako sa buhay na maingay at punong puno ng sama ng loob. Di ko na maririnig ang bulyaw at sigaw ni nanay. Ang mga pagmumura sa amin ng tatay ko.Ang away at kahihiyan.
Noong una, sinabi ko sa sarili ko, babangon ako. Ipapakita ko sa kanila na di ako kagaya ng tatay ko. Kailangang maipagmalaki ako ng nanay ko. Kailangang masaya sia.
Nagsumikap ako. Naging seryoso sa buhay ko.Ngunit sa pag-lipas ng panahon, doon ko naramdaman ang kawalan ko ng tiwala sa sarili ko. Laging sumasagi sa utak ko ang mga kahihiyang nangyari sa amin. Di ko matanggal sa sarili ko na tingnan at isipin na mas maswerte ang mga taong nakapaligid sa akin. Lagi kong napupuna ang sarili ko. Ang kabulukan ng utak at damdamin ko.Pag naglelecture ang aming teacher, intinding intindi ko. Ngunit pagdating sa quizzes and exams, natutuliro ang utak ko. Nag memental block kumbaga. Gustong gusto ko ang kurso ko ngunit tinatanggihan ng utak ko. Pinilit ko pa ring mag-aral, magsimba, maging mabait. Di ko maintindihan kung bakit di ko pa rin maibangon ang sarili ko.
Sumuko na ako. Pinasok ko ang madilim at magulong mundo. Napabarkada ako. Nagsinungaling sa nanay ko. Winaldas ko ang pang tuition ko. Natuto akong uminom at manigarilyo. “pasosyal” . Madalas ito ang itawag sa akin ng ate ko pag nag aaway kami. Madalang na akong umuwi sa amin .Wala na akong pakialam kahit kanino.. Nawalan ng direksyon ang buhay ko.
Siguro, sinubok ako ng Diyos. Ng taong iyon, nasunog ang aming tindahan. Ubos lahat. Walang tinira kahit isang pirasong kamatis. Sinisi ko lahat sa Diyos! Bakit puro kamalasan ang buhay ko. Bakit di na lang niya ako pinatay?!
Ayoko na. Tama na. Satanas, magpakita ka! Kailangan kita! Alam ko masaya sa mundo mo! Kunin mo na ako! Ito ang natandaan kong sinambit ko bago ko nilunok ang ibat ibang pills na nakita ko sa kwarto ko! Masaya, tahimik, malungkot, nakakapagod.
Katahimikan.
Day, day, gising na. Ano ba! Tanghali na a. Ahhh… sakit ng ulo ko.. kumukulo ang tiyan ko. Ang hapdi. Nasaan ako.Shit! buhay pa ako! Bakit buhay pa ako! Ano ba talaga ang gusto mo? I don’t deserve to suffer these! I hate myself! I hate you!
Napilitan akong umuwi sa amin. Gulong gulo ang isip ko. Paano ko ipaliwanag sa nanay ko na halos lahat ng subjects ko either dinrop ko o binagsak ko. Paano ko haharapin ang kalunos lunos naming sitwasyon? Ang sama ko! Bakit ko nagawa ito? Pinilit kong kalimutan ang lahat ngunit matindi tumama ang realidad.
Lungkot at panlulumo ang sumalubong sa akin. Ang mga taong dating masaya at maingay sa palengke ay parang tinanggalan ng buhay. Ang iba ay pilit na iniipon ang mga tira tirang kahoy na tinupok ng apoy para makapagtayo ulit ng maliit na tindahan. Hinanap ko ang nanay ko. Paikot ikot ako sa palengke. Pinilit kong di magmadali. Takot ako. Kung pwede lang bumalik na ako sa pinanggalingan ko. Takot ako sa katotohanan. Takot akong harapin muli ang kahirapan.
Natagpuan ko ang nanay ko sa isang sulok ng palengke. Doon sia pumuesto malapit sa may wet market. And dati naming tindahan ay nasa dalawang bilao na lang. Isang bilaong kamatis at isang bilaong sibuyas. Pinagmasdan ko sia. Marahan niyang pinupunasan ang kanyang paninda. Ikinubli ko ang sarili ko sa puno ng acacia. Pinagmasdan ko sia. Matanda na pala ang nanay ko. Ang malalaking ugat nia sa kamay ay gumapang na rin sa kanyang mga paa. Payat at nanlalalim ang mga mata. Ang dating maliksi niang katawan ay tila mahina na. Ang dating balingkinitan niang katawan ay losyang na. Di ko mapigil ang pagpatak ng aking mga luha. Pinilit kong balikan ang mga kalupitang pinagdaanan namin sa kamay nia.Ayokong umiyak. Ayokong Makita nia akong umiiyak.Ngunit, pumaibabaw ang habag at awa ko sa aking ina. Bumalik sa mga alaala ko ang mga pinagdaanan niya. Ang mga suntok at murang nilabanan niya. Ang lahat lahat na pangyayari sa aming buhay.Ang buhay niya noong kabataan nia na. Ang pag-aararo nia sa bukid bunga ng kalupitan ng kanyang sariling ama. Ang kahirapang dinanas nia.
Doon ko napagtanto na ang lahat palang iyon ay isang laban ng nanay ko. Laban sa kahirapang dinanas din niya. Lahat ng kalupitan at miserableng buhay sa piling nila ay dahil sa isang pangarap. Pangarap niyang di namin maranasan ang buhay na kanya ring kinagisnan.Pangarap na sana mabago ang buhay na kinasadlakan nia. Ang pagmamalupit ng tatay nia sa kanila…ang mga impit na iyak niya tuwing uuwing lasing at nagwawala ang lolo ko.Ang bigat ng araro sa bukid..ang sakit ng likod nia ..ang kahirapang di nia maintindihan sa kabila ng walang humpay na pagawa nila sa bukid. Tulog pa ang Diyos kasama nia na ang kalabaw..paulit ulit niyang ikinukwento sa amin.

to be continued........
No comments:
Post a Comment